Tumama sa Occidental Mindoro ang isang 5.0-magnitude na lindol ngayong Martes ng umaga.
Unang inulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang nasabing pagyanig bilang magnitude 4.8, at ginawang magnitude 5.0 sa pangalawang earthquake bulletin.
Naitala ang pagtama nito 58 kilometers southwest ng San Jose, Occidental Mindoro bandang 7:24 ng umaga, Pebrero 9.
Naramdaman ang Intensity 4 sa San Jose, Occidental Mindoro at ang mga sumusunod:
Instrumental Intensity 3 – San Jose, Occidental Mindoro
Instrumental Intensity 2 – Roxas, Oriental Mindoro; Sebaste, Antique
Instrumental Intensity 1 – Jamindan, Capiz
Samantala, walang inaasahang pinsala ang Phivolcs matapos ang nasabing lindol pero dapat anilang asahan ang aftershocks.