6

Mar 31, 2021 @ 9:58
By

Occidental Mindoro inalog ng magnitude 4

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Occidental Mindoro kaninang madaling-araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, alas-12:56 ng umaga ngayong Miyerkoles nang tumama ang lindol sa 24 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Sablayan.

Isang kilometro ang lalim nitong tectonic quake.

Kasunod ng pagyanig, dagdag ng Phivolcs, naramdaman ang Instrumental Intensity 2 sa Calapan City, Oriental Mindoro at ang Instrumental Intensity 1 sa San Jose, Occidental Mindoro.

Samantala, hindi naman inaasahan ang pinsala o aftershocks matapos ang lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?