27

Apr 21, 2021 @ 21:21
By

Occidental Mindoro bishop pumanaw

Namayapa na si San Jose, Occidental Mindoro Bishop-Emeritus Antonio Palang nitong Miyerkoles.

Sabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, namatay si Palang sa Cebu City dahil sa cardiac arrest.

“He was 74 years old. May he rest in peace,” lahad ng CBCP Secretariat.

Naordinahan si Palang bilang pari para sa Society of the Divine Word noong Hulyo 8, 1972.

Naitalaga siyang ikalawang obispo ng San Jose noong Marso 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?