79
ABANTE occidental mindorolindol earthquake
Jan 15, 2018 @ 9:39

Occidental Mindoro, 2 beses inuga ng lindol

Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Occidental Mindoro Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Unang naitala ang magnitude 5.0 na lindol alas-11:20 ng gabi, 30 kilometro sa soutwest na bayan ng Palau sa Occidental Mindoro.

Sinundan ito ng magnitude 5.2, sa nasabi ring bayan alas-11:49 ng gabi.

Sa unang lindol, naramdaman din ang Intensity IV sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro, habang Intensity III naman sa bayan ng Sablayan town.

Intensity II naman Pola, Oriental Mindoro, Quezon City, Pasay City at Malolos, Bulacan.

Sa ikalawang lindol, naramdaman ang Intensity III sa Quezon City at Intensity III sa Tagaytay City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?