26

Oct 3, 2021 @ 11:18
By

Occ. Mindoro niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

Inuga ng magnitude 5.3 na lindol ang Occidental Mindoro ngayong Linggo ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang pagyanig alas-5:59 ng umaga kanina kung saan namataan ang epicenter nito sa bayan ng Sablayan.

Naramdaman ang mga sumusunod sa ilang lugar:

Intensity 2: Magsaysay, Occidental Mindoro; Pinamalayan, Oriental Mindoro
Intensity 3: Santa Cruz, Occidental Mindoro
Intensity 5: Sablayan, Occidental Mindoro

Binalaan naman ng ahensya ang mga nasabing lugar sa maaaring aftershock. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?