284
arrested2
Mar 4, 2019 @ 19:45
By

Obrero swak sa selda matapos tawaging ‘Bhe’ ang manager

Kulungan ang kinasadlakan ng isang construction worker makaraang i-harass ang isang manager sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District Novaliches Police Station Commander, Police Lt. Col. Rossel Cejas ang suspek na si Jay-ar Cabesas ng No. 74 Heleford St., Brgy. Bahay Toro, QC.

Sa report, itinago sa pangalang Monica ang biktima, isang communication’s manager at residente ng Mindanao Avenue Extension, Brgy. Sta. Monica.

Alas-kuwatro umano ng hapon ng Marso 1, 2019, nilalaro ng 22-anyos na biktima ang kanyang alagang aso sa labas ng kanilang bahay habang nakatayo naman hindi kalayuan ang suspek.

Sinabihan umano ni Cabesas ang biktima ng mga hindi kanais-nais na salita, “Bhe ano pangalan ng aso mo? Sana aso na lang ako. Ano cellphone number mo?”

Hindi nagustuhan ng biktima ang mga salita ng suspek dahilan para humingi ito ng tulong sa nagpapatrulyang mga pulis-Novaliches na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Agad dinala si Cabesas sa Women and Children’s Protection Desk ng Novaliches Police at kinasuhan ng paglabag sa City Ordinance 2501 na mas kilala sa “Anti-Catcalling”.

Samantala, payo naman ni QCPD Director, Police Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr., huwag umanong mag-atubiling isumbong sa mga pulis ang anumang pambabastos.

Magugunitang inaprubahan ng Quezon City Council ang ordinansa na nagbabawal sa “street-level harassment” sa mga kababaihan na mas kilala sa para protektahan ang mga kababaihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?