76

Nov 7, 2017 @ 17:35
By

Obrero pinatay bago iniwan sa jeep

Tuluyan nang hindi nagising ang isang obrero matapos na barilin habang natutulog sa loob ng pampasaherong jeep sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Rossel Cejas, hepe ng Batasan Police Station 6, ang biktima na si Jun Manaog, 42-anyos, ng Phase 5, Brgy. Commonwealth, QC.

Si Manaog ay nakita na lamang ng mga residente na wala nang buhay at naliligo sa dugo sa loob ng pampasaherong jeep (TTG- 832) na nakaparada sa gilid ng MRB, Phase 5, Brgy. Commonwealth.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Jun Abogado, ng Criminal Investigation Unit, ng Quezon City Police District (QCPD), ganap na alas-6:30 ng umaga, nakita na lamang ng mga residente ang bangkay ni Manaog sa PUJ sa naturang lugar at agad ipinaalam sa barangay at sa QCPD PS6.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pamamaslang at pinaghahanap pa ang salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?