54

Jan 19, 2020 @ 17:32
By

Obrero nag-suicide matapos magselos

Namatay sa suicide ang isang construction worker dahil sa sobrang selos sa Vintar, Ilocos Norte noong Sabado.

Kinilala ng Vintas Police Station (VPS) ang biktima na si Edgar, 34, at residente ng bayan ng Bacarra sa nasabing lalawigan.

Base sa report ng VPS, ayon sa kinakasama ng biktima na si Lorna, 42, nadiskubre ang biktima na patay na sa loob ng kanilang barracks.

Inamin ni Lorna sa pulisya na may hindi sila pagkakaintindihan at nag-away sila dahil sa selos.

Dagdag niya, hindi pa ito natulog sa tabi niya kagabi dahil sa takot na masasaktan ulit ito.

Sinabi ng pulis na nag-text ang biktima sa live-in partner na magbibigti ito ngunit hindi inakala ng huli na gagawin talaga ni Edgar.

Ayon sa doktor, halos anim na oras na itong patay mula noong matuklasan ang bangkay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?