27

By

Obrero itinumba sa ilalim ng tulay

Sharing is caring!

Walong bala ng kalibre 45 baril ang tumapos sa buhay ng 28-anyos na construction worker nang ratratin ng hindi pa nakilalang gunman sa Quezon City.

Ang biktima ay nakilalang si Melvin Anasarias, 28-anyos, binata, construction worker at residente ng No. 9 Kalayaan B, Brgy. Batasan Hills, QC.

Siya ay namatay sa pinangyarihan sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Julius P. Raz, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD),ang krimen ay naganap dakong alas-3:00 ng madaling-araw (October 12) sa footbridge na matatagpuan sa Commonwealth Ave., Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.

Ayon kay Yolly Maglaki, abala umano siya sa pag-aasikaso sa kanyang mga kustomer sa videoke bar nang makarinig siya nang sunud-sunod na putok ng baril at sa kanyang paglabas upang alamin kung ano ang nangyayari ay bumungad sa kanya ang duguang katawan ng biktima.

Agad umanong inireport ni Maglaki ang krimen sa kanilang barangay na mabilis namang humingi ng responde sa himpilan ng pulisya.

Masusing iniimbestigahan pa ng pulisya ang naganap na krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?