62
handcuffed2
May 25, 2018 @ 19:27

Obrero arestado matapos mapatay sa bugbog ang anak ng ka-live in

Sasampahan ng kasong murder ang isang construction worker matapos umano nitong mapatay ang 2-anyos na anak ng kanyang ka-live in sa bayan ng Rosario sa Batangas.

Nadakip ang suspek na si John Ross Alaro, na nakapatay umano sa biktimang si Miko Basila dahil sa pangbubugbog dito sa bahay nila sa Barangay Maligaya, alas-9:30 ng umaga nitong Biyernes.

Ayon sa report, nasa trabaho ang nanay ng bata nang mangyari ang insidente kung saan sinabi umano ng suspek na gusto lang niyang disiplinahin ang bata.

Nakitaan umano ng mga pasa ang katawan ng bata.

Si Alaro mismo umano at lola ng bata ang nagtakbo sa ospital sa biktima nitong Biyernes ng umaga nang mapansin na ng una na hindi na ito gumagalaw.

Ang ospital ang siyang tumawag sa mga pulis pero wala na si Alaro nang dumating ang mga ito.

Nakita si Alaro bandang alas-tres ng hapon na hinihintay sa labas ng factory ang kanyang kinakasama na nanay ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?