Itigil ang patayan, ibalik ang peace talks – APO

Sharing is caring!

Nagsagawa ng taunang Oblation Run ang mga miyembro ng Alpha Phi Omega (APO) sa University of the Philippines (UP) Diliman na may temang “End Wars, Not Lives” kahapon, Disyembre 1 sa Palma Hall.

Ilang chapters ng APO fraternity ay nagkasa rin ng ‘pagtakbo nang nakahubad’ sa kani-kanilang UP chapters.

Ayon sa Wikipedia, nagsimula ang tradisyon na ito taong 1977 na kilala rin bilang Ritual Dance of the Brave. Hango ang pangalan nito sa Oblation, estatuwa ng hubad na lalaki na pinakilala taong 1939.

Tumatakbo nang nakahubad ang mga lalaki sa Oblation Run upang maging daan para maghatid ng kamalayan sa publiko hinggil sa mga kinakaharap na isyu ng bansa, at ngayong taon na ito ng Oblation Run, layon nitong matapos na ang mga patayan na may kinalaman sa iligal na droga, pagtutulungan para sa pagbangon ng Marawi, pagbasura sa ipinapatupad na martial law sa Mindanao at sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga makakaliwang grupo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?