53

Jul 18, 2021 @ 18:01
By

Obispo: ‘Wag papadala sa election surveys

Nagpaalala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na huwag magpadala sa mga pre-election survey sa kanilang pagboto sa 2022.

Sa kanyang homily nitong Linggo sa isang simbahan sa Maynila, ibinahagi ni Bishop Broderick Pabillo ng CBCP na siya mismo ay hindi naniniwala sa mga survey dahil mind-conditioning lang umano ang mga ito.

“I hope we don’t believe in these surveys. It only conditions our minds,” wika ni Pabillo.

Nagbigay rin siya ng pamantayan sa mga mananampalataya kung ano ang dapat hanapin sa kanilang iboboto.

“We need leaders who are moved by the dire situations of the people. We need leaders who have mercy and compassion and not promote kill! Kill! Kill!” wika ng obispo.

“In fact because Jesus had compassion he forgot his own need of rest. He spent the whole day teaching them, sacrificing his rest,” dagdag pa ni Pabillo.

“I hope this will be the basis of our choice of leaders and not the surveys and press releases, especially not the social media being invaded by trolls,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?