43

Oct 9, 2021 @ 15:44
By

Obispo sa publiko: Iboto ang may mabuting asal, tutol sa pagpatay

Pinaalalahanan ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mga botante na piliin ang mga kandidato na may “good morals” sa darating na halalan 2022.

Ikonsidera rin aniya ang mga kandidato na may matibay na pananampalataya at buong pusong tanggap ang Diyos.

Piliin din aniya ang mga lider na tutol sa mga panukalang kikitil ng buhay tulad ng extrajudicial killings, death penalty, abortion at reproductive health law.

Dagdag niya, hindi karapat-dapat iboto ang sinuman na gumagamit ng armas, nanunuhol at inaabuso ang kapangyarihan para magpayaman.

Maganda rin daw na may mabuting asal ang pipiliing kandidato.

“Our words must be inspiring and encouraging, not abusive, offensive, nor life-threatening. Good manners exhibit actions that are pleasing, helpful, and not self-serving. So, before we cast our votes, know your candidates’ character beforehand. They should be right and excellent examples of good morals,” ani Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?