36

Jan 12, 2022 @ 23:12

Obiena tinanggal turnilyo sa tuhod

Matagumpay ang naging surgery sa tuhod ni Obiena at nakatakda nang sumalang sa kompetisyon sa Germany sa Enero 28.

Sa Instagram post ni Obiena, pinakita niya ang turnilyo na tinanggal sa kanyang tuhod na nagmula pa sa surgery niya noong 2017 dahil sa ACL.

“They have cleaned the meniscus and have removed the screw on my knee from the ACL reconstruction back in 2017 as the bone graft has fully solidified,” wika ng Olympic pole vaulter.

Nagpasalamat si Obiena kay Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez sa paghahanda ng pondo para sa kanyang surgery.

“I am also thankful for Chairman Butch Ramirez announcing yesterday that funds for my surgery is available. I may be able to use this money once available to me to reimburse the advances of good samaritans,” lahad ng atleta.

“My most immediate task is to get healthy and get back on track so that I can compete again for the country 🇵🇭,” wika pa ng Asian record holder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,