74

Nov 21, 2021 @ 19:57
By

Obiena rumesbak sa ‘paninira’ ng Patafa

Rumesbak si Pinoy pole vaulter EJ Obiena at nagsampa ng reklamo laban sa Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) dahil sa paninira umano sa kanya.

Ang reklamo ni Obiena ay kaugnay ng paratang ng Patafa na hindi pinasahod ng atleta ang kanyang coach na si Vitaly Petrov at dinaya umano nito ang liquidation report sa kanyang mga nakuhang allowance.

Pinababalik din ng Patafa kay Obiena ang nasa 85,000 Euro, o P4.8 milyon.

Mariing pinabulaanan ni Obiena ang mga paratang kaya’t irereklamo niya ang Patafa sa Philippine Olympic Committee (POC), International Olympic Committee (IOC), at World Athletics.

“I’ve filed formal complaints with the POC, IOC, and the World Athletics, as we are now talking standard defamation of character,” saad ng pole vaulter ngayong Linggo. “I have retained legal counsel and I do intend to pursue this vigorously.”

“This entire incident has damaged my reputation. I welcome any court of law to shed light under the power of evidence and investigate this matter,” ani Obiena.

Bukod dito, sinuportahan ni Petrov si Obiena at sinabing napapasahod siya nito.

“With this letter I would like to thank you once again for your help and to confirm that EJ Obiena compensated me my salary which was agreed with him before in full beginning 2018 until now,” saad ni Petrov. I have no complaints against him. Ernest is an outstanding athlete of your country and my purpose is still to make him an elite world-known athlete.”

Si Obiena ay naging pambato ng Pilipinas sa Tokyo Olympics at kabilang sa top male pole vaulters sa buong mundo sa kasalukuyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?