55

Nov 26, 2021 @ 22:27
By

Obiena pinag-aagawan ng ibang bansa

Maraming bansa ang interesadong bingwitin si Filipino Olympian EJ Obiena.

Ayon sa mentor niyang si Jim Lafferty, bago pa man ang gusot sa pagitan ni Obiena at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), nakapila na ang iba’t ibang bansa sa Filipino pole vaulter dahil sa patuloy na pagtaas ng ranking nito sa track and field.

“Long before this happened, there was already a line of people at his door to offer him a passport,” siwalat ni Lafferty kay Gretchen Ho sa One News.

Kung hindi umano maaayos ang hidwaan ni Obiena at PATAFA, baka piliin na lang maghanap ng una ng ibang bansa na susuporta sa kanya, tulad ng chess champion na si Wesley So.

Inakusahan ng PATAFA si Obiena ng pagpalsipika sa mga dokumento kaugnay ng mga gastos nito at ipinasosoli ang 85,000 Euros (tinatayang P4.8 milyon) na pasahod sa kanyang Ukrainian coach na si Vitaliy Petrov.

Humarap sina Obiena at Petrov sa media at pinasinungalingan ang alegasyon.

Binago ng PATAFA ang alegasyon nito at sinabi na nabigo si Obiena na bayaran sa oras ang kanyang coach.

Naging finalist si Obiena sa katatapos na Tokyo Olympics at umakyat sa panlima sa pole vault world rankings matapos masungkit ang silver medal sa Paris Diamond League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,