63

Jul 31, 2021 @ 12:01
By

Obiena namumuro sa ginto

May tsansang masungkit ni Philippine pride EJ Obiena ang gintong medalya matapos umabante sa Finals ng men’s pole vault event sa 2020 Tokyo Olympics.

Tagumpay ang 25-anyos na atleta sa 5.75 meter mark sa qualification round nitong Sabado ng umaga sa Olympic Stadium.

Abante siya sa championship round na nakatakda sa August 3 ng alas-6:20 ng gabi.

Impresibo ang ipinakita ni Obiena nang talunin ang 5.30, 5.50 at 5.65 meter marks sa unang subok lamang.

Bigo naman siya sa una at pangalawang subok sa 5.75m, nagtagumpay din sa huling talon para makakuha ng upuan sa Finals.

Nakapag-uwi na si Obiena ng kanyang unang SEA Games gold at nagtakda ng bagong record na 5.45 meters sa New Clark City Athletic Stadium sa Capas, Tarlac noong December 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?