51

Aug 3, 2021 @ 20:17
By

Obiena kinapos sa Olympic gold

Out na sa men’s pole vault competition sa Tokyo Olympics si Filipino bet EJ Obiena.

Ito ay matapos niyang mabigong talunin sa ikatlong subok ang 5.80-meter mark nitong Martes.

Laglag na sa medal race ang 25-anyos na atleta.

Sa ngayon ay mayroon nang ginto at pilak na medalya ang Pilipinas sa 2020 Olympics.

Unang nasungkit ni Hidilyn Diaz ang gold medal sa women’s 55kg category ng weightlifting event habang naikuwintas ni Nesthy Petecio ang silver medal sa women’s boxing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?