18

Aug 5, 2022 @ 23:21
By

Obiena ibabalik ng PSC, Patafa sa national team

Tinatrabaho na ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) ang muling pagbabalik ni star men’s pole vaulter Ernest John Obiena sa national team.

Isang emailed letter na pirmado ni Patafa president Agapito Capistrano ang pinaabot sa PSC Biyernes para iendorsong ma-reinstatement ang 2020+1 Tokyo Olympian na may magkakasunod na panalo at nagtala pa ng bagong Asian record sa katatapos niyang kompetisyon.

“We are endorsing Obiena to be given the same allowances previously extended to him based on his classification as a world class athlete,” hirit pa ng athletics official.

Inatasan naman na ni PSC Officer in charge, Atty. Guillermo Iroy, Jr. ang mga kinauukulang opisina ng ahensya para sa kahilingan ng Patafa at walang nasisilip na problema sa pagbabalik ni Obiena sa team.

Kawawasak lang ng atletang tubong Tondo, Maynila sa Asian record niya sa bronze-winning jump sa 18th World Athletics Championships sa Eugene, Oregon nitong Hulyo.

Ang hakbang ng Patafa, panapos na sey ni Capistrano, ang magpapagana pa sa atleta sa mga parating niyang kompetisyon, kabilang ang 2024 Paris Summer Olympic Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?