67
Obiena gold sa Italy
By

Obiena gold sa Italy

Tuloy pa din ang paghataw sa international stage ni National Pole Vaulter Ernest John “EJ” Obiena sa pagkubra ng gintong medalya sa 2019 Salti Piazza International Pole Vault Meeting na idinaos sa Padova Pratto Della Valle, Italy.

Nagrehistro ang Asian Championship gold medallist ng impresibong 5.50 meter leap upang talunin ang anim nitong bigating kalaban tulad nina Alione Sene ng France, na umangkin ng pilak na medalya habang kinumpleto naman ni Meditteranean U23 Championship bronze medallist Allesandro Sinno ng host Italy ang podium sa pagsumite ng parehong 5.30 meters.

Layon sana muling mauungusan ni Obiena ang naitalang bagong record noong Abril sa Asian Athletics Championships sa Doha, Qatar kung saan gumawa ito ng bagong Asian Mark at PH Record na 5.71 meters ngunit nabigo ito.

Dahil dito mas pupuspusan pa si Obiena sa pag-eensayo kung saan lilipad ito patungong Europe bilang paghahanda na rin sa sa IAFF Diamond League events at sa 30th Southeast Asian Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?