99
Obet Javier coach sa NCAA, referee naman sa UAAP
By

Obet Javier coach sa NCAA, referee naman sa UAAP

Matapos mag tagumpay ang Arellano Lady Chiefs sa NCAA volleyball season 94 dahil kay champion coach Obet Javier, balik trabaho naman ito bilang referee sa UAAP season 81.

Nag-officiate si Javier sa game ng Adamson University at University of Santo Tomas sa men’s division ng UAAP volleyball kung saan nagwagi ang Soaring Falcons sa score na 33-31, 23-25 16-25, 25-15, 16-14.

Dati nang nakapag-referee si Javier noong 2001 sa isang high school division game at ito ang una nyang beses sa UAAP collegiate level.

“I actually liked that this went to five sets because it really tested my knowledge in officiating,” pahayag ni Javier.

Dagdag nito, “They just tell me what games I’ll be in, and who knows, I might get to officiate in the women’s tournament.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?