107

Mar 30, 2020 @ 23:23
By

Obando nagsara ng pinto sa mga taga-Valenzuela

Nirerespeto ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang desisyon ng lokal na pamahalaan ng Obando, Bulacan na isara ang entry point nito para sa mga residente ng nasabing lungsod.

“Valenzuela fully respects Mayor Edwin’s decision to seal off Obando from Valenzuela. I’m sure he has nothing but your best interest at heart when he made this decision. Just wanted all of you to know that our hospitals remain open to your needs if the urgency arises. Our hospitals and our health care providers from our private and public hospitals remain at your service if you need assistance,” sinabi ng alkalde.

Batay sa anunsyo ng ni Obando Mayor Edwin Santos, total lockdown na ang entry point ng mga taga-Valenzuela sa kanilang bayan. Ito’y bilang pag-iingat na makapasok sa kanila ang coronavirus disease.

“Ang lahat po ng papasok na mga pagkain o anomang pangangailangan na dadaan lamang sa bayan ng obando papuntang Maynila or Malabon/Navotas na galing ng Valenzuela ay hindi po pwedeng dito dumaan at kailangang umikot ng NLEX kung kayo po ay pupunta ng Metro Manila,” ayon pa sa anunsyo.

Kailangan din umanong humingi ng endorsement letter sa mga alkalde na galing sa Bulacan, Bulacan at galing sa Malabon bago makapasok sa kanilang bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?