49
TNT-ABANTE-TONITE-ny-yankees
Oct 19, 2019 @ 9:26
By

NY Yankees: Madaya ang Astros!

Pumutak ang New York Yankees, nandadaya anila ang Houston Astros dahil ninanakaw ang signs ng pitchers sa kanilang AL (American League) Championship Series.

Umariba ang Astros ng 8-3 win sa Game 4 nitong Huwebes, isang panalo na lang ay babalik sa World Series sa pangalawang pagkakataon sa nakalipas na tatlong seasons.

Bago ang laro, mariing itinanggi ni Astros manager AJ Hinch na ninanakaw ng kanyang team ang signs.

Habang dumidiskarte sa mound ang pitcher, bago pumukol ay may kanya-kanyang seremonyas ang mga ito. Kadalasan, senyasan sila ng pitcher o ng manager kung anong klaseng pukol ang ibibigay. Mga senyales na ninanakaw daw ng Astros para alam agad kung paano papaluin ang parating na pitch.

Una nang inimbestigahan at tinabla ng Major League Baseball ang alegasyon.

Giniit din ni Hinch na kapag nagbibigay ng tip ang isang pitcher, ‘di na kasalanan ng Astros dahil sasamantalahin na nila ang pagkakataon.

“I think it’s disrespectful that every time we score a lot of runs, people talk about tipping,” ani Carlos Correa, pumalo ng three-run homer sa panalo. “Nobody was tipping today and we scored, what, eight runs? We’re great hitters. We’ve been doing it for a whole season.”

Sinabi rin ni Yankees ace James Paxton na pinanood niya ang tape ng kanyang Game 2 start, at giniit na hindi siya nagti-tip ng pitches.

Pinahirapan siya at pinalabas ng Astros pagkatapos ng 2 1/3 innings.

Game 5 ng best-of-seven ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?