41

Mar 29, 2020 @ 12:54
By

NY Knicks owner positibo sa COVID-19

Isang NBA team owner ang tinamaan na rin ng coronavirus, kasunod ng balitang 10 manlalaro at isang NBA reporter ang nahawaan na rin ng nasabing sakit.

Ayon sa statement ng New York Knicks, nagpositibo sa COVID-19 ang kanilang CEO at owner na si James Dolan.

Bagama’t tinamaan ng virus, saad ng koponan na kaunti lamang umano ang nararamdaman nitong sintomas ng virus.

“The Madison Square Garden Company Executive Chairman and Chief Executive Officer Jim Dolan has tested positive for coronavirus. He has been in self-isolation and is experiencing little to no symptoms. He continues to oversee business operations,” saad sa tweet ng koponan.

Sumunod si Dolan sa mga nagpositibo sa virus sa NBA katulad nina Rudy Gobert, Donovan Mitchell at Christian Wood, ang tatlo ay gumaling na sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?