249

Jan 28, 2022 @ 15:41
By

NXP H2WO sinugod sa ospital

Kinailangang dalhin sa ospital si John Paul ‘H2WO’ Salonga bago magsimula ang laban ng Nexplay Evos kontra Blacklist International para sa Sibol qualifiers.

Ayon sa tweet ni H2Wo, dumanas siya ng matinding pananakit ng tiyan bago sumalang kontra Blacklist.

“Umay, sumabay pa sakit ng tiyan gl (good luck) na lang,” ayon sa jungler ng NXP.

Kaya naman matagal na na-delay ang pagsisimula ng Blacklist vs NXP dahil sa biglaang pagsugod sa ospital kay H2WO.

Sa Instagram story ni Dale Lopez, manager ng NXP, pinakita nito na nakahiga sa hospital bed ang kanilang manlalaro.

Bilang penalty ay awtomatikong ibinigay sa Blacklist ang panalo sa Game 1, sa Game 3 ay nakabalik na si H2WO ngunit nabigo pa rin sa M3 world champions.

Laglag sa lower bracket ang NXP, habang abante naman ang Blacklist sa upper bracket semifinals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?