74

By

NutriAsia, hindi sangkot sa labor-only contracting – DOLE

Sharing is caring!

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi sangkot ang NutriAsia Incorporated sa labor-only contracting na isang uri ng iligal na kontraktwalisasyon.

Partikular na tinukoy ng DOLE Region 3 ang umiiral na kontrata ng NutriAsia sa Bmirk na nagseserbisyo sa kumpanya bilang taga-repack ng kanilang produkto.

Ang desisyon ng DOLE Region 3 ay may kinalaman sa protestang isinasagawa ng mga manggagawa ng NutriAsia na umaalma laban sa umano’y umiiral na kontraktwalisasyon sa kumpanya at iligal umanong pagsibak sa ilan nilang manggagawa.

Sa desisyon ni DOLE Region 3 Director Ma. Zenaida Angara Calumpita, kung may umiiral na employer-employee relationship, ito ay sa pagitan ng mga nagpoprotestang manggagawa at ng Bmirk, at hindi sa NutriAsia.

Ang Bmirk ay isa rin umanong lehitimong job contractor na may service agreement sa NutriAsia bilang independent contractor, may eksklusibong kontrol at pangangasiwa sa paggawa na kanilang iseserbisyo sa kumpanya.

Ito rin umano ang nagbabayad ng suweldo at benepisyo ng mga manggagawa nito at patunay dito ang mga naisyung payslip sa mga manggagawa.

“Clearly, the union proved that its members have employer-employee relations with BMPC (Bmirk), and not NAI (NutriAsia),” saad ng desisyon ng DOLE Region 3.

Sa panig naman ng NutriAsia, nakahanda itong makipagtulungan para sa mapayapang ikalulutas ng labor dispute.

“It was unfortunate in the past that there were many negative reactions to this issue due to false information but we welcome the truth with this ruling and hope that all parties do the same,” saad ng NutriAsia. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?