13

Oct 26, 2020 @ 19:00
By

Nurse timbog sa shabu

Isang nurse na nagtatrabaho sa Department of Health at nakatalaga sa isang barangay sa Manticao, Misamis Oriental ang dinakip noong Linggo dahil sa iligal na droga.

Isinilbi ang search warrant laban kay Charles Trumata, 29, na inisyu ni 10th Municipal Circuit Trial Court Judge Renato Arroyo matapos ang ilang buwang surveillance, ayon sa ulat ng Inquirer.

Sabi ng isang opisyal ng Regional Intelligence Unit (RIU) 10 na tumangging magpabanggit ng pangalan, natagpuan ng mga opisyal ng RIU sa loob ng itim na kahon sa kuwarto ni Trumata ang isang malaking sachet at apat na maliit na sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Pero itinanggi ni Traumata na sa kanya ang mga droga dahil nasa labas umano siya ng bahay at nagdidilig ng halaman nang dumating ang mga pulis.

Isa raw sa mga pulis ang pinayagan niyang pumasok sa bahay dahil alam niyang wala siyang itinatago.

“I did not know what he was doing inside the house. The door of my room was opened,” saad ni Trumata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?