25

Apr 22, 2021 @ 19:34

Nurse timbog sa buy-bust

Nasakote ang isang nurse ng pribadong ospital, na isang high-value illegal drug personality, sa buy-bust operation sa Barangay Bulala.

Sa ulat, kinilala ang suspek na si Richard Francis Valencia, 42, residente ng Barangay Dacalla Fugu, Cagayan.

Nakorner ng mga operatiba ng Camalaniugan Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency si Valencia noong Martes, Abril 20 matapos magbenta ng shabu.

Nakumpiska kay Valencia ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?