177

Dec 4, 2021 @ 10:55
By

Nurse tiklo matapos buntisin pasyenteng may kapansanan

Arestado ang isang nurse matapos nitong halayin at buntisin ang pasyente na may malubhang kapansanan sa Arizona, United States.

Dinakip ang suspek na si Nathan Sutherland matapos pagsamantalahang ang 29-anyos na pasyente na nasa kaniyang pangangalaga.

Ayon sa pamilya ng biktima, hindi ito nagsasalita ngunit may kakayahang igalaw ang kanyang mga paa, ulo at leeg.

Batay sa awtoridad, itinanggi pa umano ng suspek na siya ang ama ng pinagbubuntis ng biktima, ngunit nang kuhaan sila ng DNA sample, lumabas ang kaniyang pangalan.

Nahaharap si Sutherland sa sampung taong pagkakakulong at irerehistro rin bilang isang sex offender.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?