450

Aug 18, 2020 @ 18:45
By

Nurse nagpaanak ng pulubi sa kalye

Viral ang isang nurse matapos siyang makunan ng larawan na tinulungang manganak ang isang homeless sa Barangay Bangkal, Makati, Martes ng umaga.

Ibinahagi ng Bangkal Emergency Response Team ang mga larawan ng nurse, na napadaan lang sa lugar.

“Baby out incident along Osmeña Highway. Rescuers were assisted by a nurse who just happen to pass by the area. Thank you po sa inyo. Salute and respect to all medical frontliners. Pinagbubutihan po at pinagiigihan po nla ang kanilang trabaho,” sabi sa Facebook post.

Marami ang pumuri sa pinakitang kabutihang-loob ng babaeng nurse.

Janette Cloma: “Great job… underrated hero/silent hero.. Godbless the nurse in return for such act of kindness.”

Myrn’s D. Ganade: “Congrats! sa nanganak kahit sa kalsada lang grabe anlakas nya at Kay Nurse Salute! wala sya pinipili Basta call of duty.”

Lerriza de Leon: “Mabuhay and salute to you our hero!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?