59

Nov 27, 2020 @ 21:43

Nurse na todas sa COVID sa Amerika, karamihan Pinoy

RP

Nilantad ng National Nurses United (NNU) na namumuro ang mga nurse na Pinoy sa mga nasasawi sa USA.

Sa report ng naturang grupo, sinabi na 61 sa 213 registered nurse na nasawi sa US ay ma Pilipino.

Samantala, 54-percent naman sa mga nasawing nurse na ibang lahi sa Amerika ay Pinoy.

“67 (31.5 percent) of the 213 registered nurses who have died of COVID-19 and related complications are Filipino,” ayon sa NNU.

Sinabi pa ng grupo na 35 percent naman ng nasawi sa California ay may dugong Pinoy, batay sa report ng Los Angeles Times.

“If hospitals are not widely required to publicly disclose their deaths and infection rates, they lack important incentives not to become zones of infection,” pakli ng grupo.

“We cannot allow the more than 1,700 deaths, many of them avoidable, to be swept under the rug, and vanished from our collective memory by the health care industry,” lahad pa.

Nakiusap ang NNU na paigtingin ang pagbibigay ng mga personal protective equipment sa mga nurse para maiwasan ang pagkamatay ng mga frontliner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,