88

Aug 29, 2020 @ 19:45
By

Nurse na nagpaanak ng homeless, 1 taon susuplayan ng manok

Kinilala ang kabayanihan ng isang company nurse na tinulungang manganak ang isang homeless sa kalye sa Barangay Bangkal, Makati kamakailan.

Pauwi na sana ang nurse na si Lorraine Pingol, 29, nang mamataan ang homeless na manganganak na.

Wika ni Pingol sa isang ulat, “There’s no other person to help them kundi ako…Saka nurse din naman ako. May sinumpaan kami.”

Agad niyang tinulungang manganak ang homeless na nakilalang si Jeca Mae Lausa.

Dahil dito, ginawaran ni Bounty Agro Ventures Inc. (BAVI) president Ronald Mascarinas ng “Manok ng Bayan Award” si Pingol.

Binigyan din siya ng pera at may isang taong supply ng mga produkto ng Chooks-To-Go.

Si brand ambassador Kobe Paras ang naging daan para makonekta si Pingol sa BAVI.

“I was browsing the internet when I saw what happened on Facebook. It inspired me since it was Lorraine’s day-off, her vocation did not stop,” sabi ng basketbolistang anak ni PBA legend Benjie Paras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?