Nurse mula Iloilo, topnotcher sa PMA

Sharing is caring!

Isang registered nurse mula Iloilo ang tinanghal na topnotcher sa Philippine Military Academy (PMA) class of 2018.

Si Cadet First Class Jaywardene Hontoria, ang mangunguna sa 282 na magtatapos na kadete ng PMA Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas (ALAB TALA).

Sa rekord ng PMA, nasa 207 ang mga lalaki habang 75 ang mga babae. Ito na ang pinakamaraming babae na naka-graduate sa kasaysayan ng PMA.

Magsisilbing guest of honor and speaker si Pangulong Rodrigo Duterte sa graduation ceremony ng mga kadete sa March 18, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?