39

Aug 1, 2020 @ 20:31
By

Nurse inutas sa ambulansya

Patay ang isang nurse matapos na ambusin ng umano’y miyembro ng New People’s Army ang ambulansya ng Rescue 195 sa Palawan nitong Sabado.

Bigla na lamang umanong pinagbabaril ang ambulansya na sakay ng nurse na si Al Jerome Bernardo sa Sitio Stockpile, Barangay Dumarao sa Roxas bandang alas-3 ng hapon.

Kasama ng nasabing nurse ang ilan pang responder ng mangyari ang insidente, kung saan nasugatan din ang driver ng ambulansya na si Alex Dela Pena.

Pabalik na sana sa Dumarag, Palawan ang nasabing ambulansya ng mangyari ang pananambang.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?