20

By ,

Nurmagomedov susunod sa yapak ni Rousey? Nililigawan ng WWE!

Sharing is caring!

Matapos ang matagumpay nitong pagpakapanalo sa UFC o Ultimate Fighting Championship kontra Conor McGregor, ibinalita ni Russian fighter Khabib Nurmagomedov na sinisipat siya ng World Wrestling Entertainment (WWE).

Hinihintay pa rin ni Nurmagomedov ang pasya ng UFC tungkol sa brawling incident na kinasangkutan nito at ni McGregor.

Pero noong Biyernes, nag-tweet si Khabib at ibinulgar na maari siyang tumapak sa WWE ring at makaharap si dating wrestling champion Brock Lesnar.

“@WWE ask me to jump inside. What do you think guys? #SmashLesnar #FakeFights,” tweet ni Khabib.

Isa sa mga UFC star na tumalon sa WWE ay ang dating champion na si Ronda Rousey.

Matatandaan noong Huwebes sa Instagram ay nagbanta ang ‘Eagle’ ng Dagestan na aalis siya sa UFC kung tatanggalin nito ang kanyang ka-teammate na si Zubaira Tukhogov ng suntukin nito si McGregor sa mukha.

“If you decide to fire him, you should know that you’ll lose me too. We never give up on our brothees in Russia and I will go to the end for my Brother. If you decide to fire him, don’t forget to send me my broken contract, otherwise I’ll break it myself,” giit ni Khabib.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?