103

By

Nurmagomedov lilisanin na ang UFC? $2M contract ni 50 Cent kakagatin

Sharing is caring!

Mukhang wala nang makakapigil sa napipintong paghihiwalay ng undefeated lightweight champion na si Khabib Nurmagomedov at ang UFC organization dahil sa naging hidwaan makaraang ipagpaliban ang laban ng kanyang teammate na si Zubaira Tukhugov.

Nagsimula ang gulo sa pagitan ng ‘The Eagle’ at ng MMA organization makaraang maaresto ang tatlo sa kampo ng una dahil sa naging rambulan sa UFC 229 laban naman sa Team Conor McGregor, na hindi pinaburan ni Khabib lalo’t walang nakastigo sa kampo nina McGregor noong sila ay nang-ambush ng bus noong nakaraang mga buwan na ikinasugat ng ilang MMA fighters.

Kaya ngayon, biglang umentra ang rapper/hit-maker na si 50 Cent upang mag-offer ng $2-million contract para lumipat si Nurmagomedov sa Bellator.

At ito naman ang naging tugon ng Russo, na parang nagbabanta na tuluyan nang puputulin ang ugnayan sa UFC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?