96

Sep 3, 2019 @ 20:12
By

Nunag, PetroGazz kakaripas vs Choco Mucho

Hindi papaawat sina Cherry Nunag at PetroGazz Angels laban sa Choco Mucho Flying Titans, Miyerkoles, alas-2 ng hapon, sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.

Bigay todo ang Angels kontra Philippine Air Force Lady Jet Spikers nitong Linggo, 25-16, 25-20, 25-23, sa pamumuno nina middle hitter Nunag at open spiker Jovie Prado na may tig-10 puntos.

“Nakadalawang sunod so hopefully magtuloy-tuloy pa talaga. Pero ‘yung game namin, marami pa talagang kailangan trabahuhin,” pahayag ni head coach Arnold Laniog.

Samantala, hindi naman nakaporma ang Choco Mucho laban sa Creamline Cool Smashers nitong Sabado, 12-25, 22-25, 25-19, 18-25.

Bitin ang 20 points handog ni opposite hitter Kat Tolentino at 13 markers ni team captain Maddie Madayag para iahon ang koponan.

May 3-2 win loss ang PetroGazz habang 2-3 naman ang marka ng Choco Mucho.

Sunod na magtatapat alas-4 ng hapon ang Pacific Town Army Lady Troopers (2-2) kontra Creamline Cool Smashers (6-0).

Lugmok ang Pacific Town Army sa Motolite noong Linggo, 16-25, 25-22, 18-25, 25-23, 10-15.

Hindi sapat ang sanib-pwersa nina Jovelyn Gonzaga at Royse Tubino na nagtala ng 19 at 16 points sa laban.

Apat na set naman ang kinailangan ng Creamline upang mapataob ang Choco Mucho noong Sabado sa pangunguna ni team captain Alyssa Valdez na humataw ng 25 points, 12 digs at 11 excellent receptions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?