79

Jul 3, 2019 @ 21:24
By

Nunag, Angels muling nagpasasa sa Perlas

Humambalos si Cherry Rose Nunag ng 12 points sa likod ng 9 attacks, 2 blocks at 1 ace pa sa patuloy na dominasyon ng top seed PetroGazz sa fourth seed BanKo, 25-19, 25-15, 19-25, 25-12, upang lumapit sa finals ng 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference Miyerkoles ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

May ‘di matatawarang harabas din sa Angels sina imports Wilma Salas ng Cuba at Janisa Johnson ng Estados Unidos na mga tumapos ng 25 at 23 markers, ayon sa pagkakasunod, para pwedeng walisin na ang Perlas Spikers sa best-of-three semifinals Game 2 sa Ynares Centers sa Antipolo sa Sabado.

Sapat na ang puwersa ng tatlo upang masawata ang hamon ng BanKo na nabulilyaso rin kahit pinabaliga liga o sa team si Jeane Mae “Stix” Horton, na humalili kay Turkish reinforcement Yasemin Sahin Yildirim.

“Sa game namin sobrang okay, parang ang relax ng lahat, ang gaan lang. And then yung third set biglang bumagsak lahat. Siguro medyo nag-relax kami. Nakumpiyansa masyado. Maybe lesson na rin sa ‘min yun na wag ganon, parang more on focus tayo,” saad naman ni Nunag, na tinatluhang pasasa na sa panalo ang karibal tapos dalawang eliminations.

Malugod namang pinapurihan ni Arnold Laniog ang kanyang mga sundalo.

“Very happy ako sa naging preparation namin dahil siguro, since going to semis na talaga to, yung mindset ng mga player is nakatutok doon sa gusto talaga naming mangyari. Doon pa lang sa training nakita ko na may gusto talaga silangpatunayan,” pahayag ng PetroGazz coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?