84
Muntinlupa
Jun 16, 2019 @ 13:02
By

Numero unong tulak sa Masbate nanlaban, todas

Patay ang number one drug personality ng Masbate City matapos itong manlaban ng makipagbarilan sa mga aarestong kagawad ng pulisya na magsisilbi ng search warrant laban sa kanya sa Barangay Nursery ng nasabing lungsod.

Dead on the spot matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang suspek na nakilalang si Gilder Mercadejas alyas “Gil Buang” matapos itong makipagpalitan ng putok sa pulisya.

Sa ulat ng ipinadala ng Masbate Police Provincial Office (PPO) sa Police Regional Office (PRO)5, naganap ang insidente dakong alas 11;40 ng gabi matapos ang ginawang operasyon ng pulisya at mag-iimplimenta sana ng search warran laban sa suspek sa bahay niti sa Purok 6, Barangay Nursery ng nasabing lungsod.

Subalit hindi pa nakakalapit ang pulisya sa bahay ay nagsimula na silang paputukan ng suspek dahilan upang gumanti ng putok ang awtoridad dahilan ng agarang kamatayan nito.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang kalibre .38 baril, tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang digital weighing scale.

Napag-alaman pa sa pulisya na ang suspek ay ang number one drug personality ng nabatid na lungsod dahil sa talamak umano nitong pagbebenta ng iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?