113

Oct 30, 2017 @ 12:43

Number coding suspendido sa Undas – MMDA

Inihayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na walang number coding scheme sa Metro Manila sa Martes, Oktubre 31, maliban sa Las Pinas City, para sa paggunita ng Undas.

Hindi rin ipatutupad ang number coding scheme sa  Mierkules, Nobyembre 1, kabilang na sa Las Pinas.

Deklaradong holiday ang dalawang araw kaya awtomatiko ang suspensyon sa scheme.

Ayon kay Celine Piolago, tagapagsalita ng MMDA, pag-uusapan pa kung sususpendihin din ito para sa Huwebes, Nobyembre 2.

Samantala, tutulong umano ang mga traffic constable ng ahensya sa pag-aabiso sa mga motorista kung pwede o hindi na pumasok sa malalaking sementeryo ang mga sasakyan.

Magbabantay ang mga tauhan ng MMDA sa palibot ng Manila South Cemetery, Manila North Cemetery at sa mga sementeryo sa Marikina at San Juan. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?