186

Oct 25, 2019 @ 22:48
By

Number coding suspendido sa Undas 2019

Inalis ang number coding scheme dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong mag-uuwian sa mga probinsya para sa All Souls’ Day at All Saints’ Day o “Undas”.

Sa inilabas na statement ng Metropolitan Manila Development Authority, hindi ipatutupad ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o number coding para sa mga provincial bus sa Oktubre 31 at Nobyembre 4.

Samantala, suspendido naman ang number coding scheme para sa private at public vehicle sa Nobyembre 1.

Pinag-utos naman ni MMDA chairman Danilo Lim ang “no day-off” at “no absent policy” sa lahat ng kanilang traffic enforcer sa Oktubre 31, Nobyembre 1 at Nobyembre 4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?