By

Number coding, suspendido sa Bonifacio Day

Sharing is caring!

Sinuspinde ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme sa Huwebes, Nobyembre 30, na Araw ni Andres Bonifacio.

Ito ay dahil legal holiday ang naturang petsa.

Nabatid na maging sa Makati City ay suspendido rin ang naturang traffic reduction scheme.

Sa Huwebes ay gugunitain ang ika-154 taon ng kapanganakan ng tinaguriang Supremo ng Rebolusyon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?