181
Number coding sinuspinde ng MMDA ngayong Semana Santa
Apr 15, 2019 @ 17:44
By

Number coding sinuspinde ng MMDA ngayong Semana Santa

Suspendido mula Abril 17 hanggang Abril 22 ang number coding scheme dahil sa inaasahang pagdagsa ng pasahero ngayong Holy week.

“The suspension of the number coding is to ensure that there is enough public utility vehicles to serve commuters heading to their respective provinces and allow motorists to use their vehicles going to their destinations up to their return to Metro Manila after the Lenten break,” saad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Higit 1,600 traffic personnel ang idedeploy sa Abril 17 hanggang Abril 22 sa mga major thoroughfares, transport terminals, at iba pang key areas sa Metro Manila upang maayos ang daloy ng trapiko.

Isasagawa rin umano ang “no day off and no absent policy” sa mga MMDA traffic enforcer bilang bahagi ng “Oplan Metro Alalay Semana Santa”.

Nagbigay abiso naman si MMDA traffic chief Edison Nabrija na titindi ang volume ng trapiko sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) ngayong linggo dahil sa deployment ng mga bus na magsasakay sa mga pasaherong apektado ng maintenance shutdown ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

“Expect volume along Edsa. This bus augmentation program will cause delays,” saad ni Nebrijia.

“We are expecting an increase in traffic volume from Monday to Wednesday,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?