63

Oct 17, 2017 @ 12:23

Number coding kinansela ng MMDA

Sinuspinde ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme ngayong araw ng Martes, October 17, 2017, maliban sa lungsod ng Makati at Las Piñas.

Ginawa ng MMDA ang pahayag dahil sa ikalawang araw ng transport strike at sa masamang lagay ng panahon

“ADVISORY: The number coding scheme is LIFTED today, October 17, 2017 due to transport strike and inclement weather. #mmda,” ayon sa Twitter account ng MMDA.

Nagsasagawa ngayong araw ang PISTON o Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide ng kanilang ikalawang araw na kilos protesta para tutulan nag modernization program para sa mga public utlity vehicles o PUV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?