28

Nov 19, 2021 @ 18:33
By

Number coding ibabalik na

Maaaring bumalik sa darating na linggo ang number coding scheme sa Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Benjamin Abalos, magbibigay siya ng rekomendasyon sa mga alkalde sa National Capital Region tungkol sa pagbabalik ng number coding scheme.

Aniya, nagsisimula na kasing bumalik ang dami ng mga sasakyan sa antas noong wala pang pandemya.

Gayunpaman, pagbabawalan lamang ang mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada kapag rush hour sa hapon, na nangangahulugang magagamit pa rin ng mga taong may pribadong sasakyan ang kanilang mga sasakyan.

Sa ilalim ng number coding scheme, ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay bawal ibiyahe tuwing Lunes, ang 3 at 4 naman ay tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkoles, 7 at 8 tuwing Huwebes, at 9 at 0 tuwing Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?