51

Feb 23, 2020 @ 15:39
By

NUJP sigaw ang tamang proseso para sa ABS-CBN

Due process — ito ang gustong mangyari ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kasunod ang pagbabanta na ipasara ang ABS-CBN.

“NUJP ask for no more than a due process, walang bantaan, idaan lamang sa tamang proseso,” sabi ni Sec. General Raymund Villanueva

Iginiit niya na kahit mayroong labor issue sa naturang network, hindi pa rin solusyon ang pagpapasara dito.

“We are also doing this to defend the jobs of 1100 workers, kahit may labor issues, closing down the network is not the solution.”

Hindi naman kumbinsido si Villanueva sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi dapat sineseryoso ng publiko ang mga binitawan na banta ng pangulo na ipasara ang ABS-CBN

“Hindi puwede ‘yun. eh! Kahit pabiro ‘yan, may context ‘yan, trabaho ng journalist na sabihin kung ano ang pinanggagalingan,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?