45

Dec 26, 2019 @ 18:09
By

Nuggets semplang sa 31 puntos ni Ingram

Sinorpresa ng New Orleans ang Denver 112-100 nitong Christmas Day para tagpasin ang seven-game winning streak ng Nuggets.

Nag-gatecrash ang Pelicans sa party ng Denver fans sa Pepsi Center sa unang home game ng Nuggets sa Pasko makalipas ang 25 taon. Huling nag-host ng Dec. 25 ang Nuggets noong 1994 nang talunin ang Seattle 105-96 sa McNichols Arena.

Umiskor si Brandon Ingram ng 31, nagbaba si Derrick Favors ng 13 rebounds para sa New Orleans – kinumpleto ang upset sa kabila ng 19 turnovers.

Sa long range shooting nina Lonzo Ball at Ingram ay kumalas sa dulo ang Pelicans. Na-outrebound din nila ang Nuggets 14 dito mula sa offensive end.

Walang lumamang ng higit 8 points hanggang sa 3 ni Ball 4:07 sa orasan tungo sa 104-95.

Giniyahan ng 23 points at 10 rebounds ni Nikola Jokic ang Nuggets, may 17 si Jerami Grant.

Tinalo rin ng Pelicans ang Nuggets 122-107 noong Halloween.

Kinamada ni JJ Redick ang 13 sa kanyang 15 points sa second quarter, kasama ang buzzer-beating 3 malapit sa half-court para ilagay sa unahan ang Pelicans 58-55.

Nakatipon na si Redick ng 1,799 3-pointers, inalpasan si Klay Thompson sa 16th place ng all-time list. Nasa unahan niya si Kobe Bryant na tumapos ng 1,827.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?