32

Dec 16, 2017 @ 18:00

Nuggets lusot sa OT sa Pelicans

Maagang kinontrol ng New Orleans Pelicans ang laro ngunit kinapos sa overtime kontra Denver Nuggets, 117-111, sa Pepsi Center nitong Biyernes (Sabado, Manila time).

Nakalamang ng 10 ang Pelicans (15-15) sa kaagahan ng fourth quarter pero hindi nagawang mamantina.

Bumida sa Pelicans si DeMarcus Cousins sa naitalang 29 points habang si Anthony Davis ay may ambag na 28 points, 12 rebounds at five blocks.

Sa pamamagitan nina Rajon Rondo at Jrue Holiday na may pinagsamang 19 points sa 28 ng Pelicans sa final period ay nakalamang sila, 86-76.

Ngunit nagising ang Nuggets at nagpakawala ng 12-0 run na tinuldukan pa ng dunk ni Mason Plumlee at sa isang iglap ay nasa Denver na ang momentum at ang abante, 100-96, sa nalalabing 2:46.

Nakaiskor ng back-to-back baskets si Davis para itabla ang iskor sa 100-all.

May pagkakataon sana ang New Orleans na mailusot ang panalo sa tablahan ngunit natapal ang bola sa buzzer-beater sana niya at napuwersa ang laro sa OT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?