98
Nuggets assistant coach matunog na kapalit ni Lue sa Cavs
May 13, 2019 @ 14:05
By ,

Nuggets assistant coach matunog na kapalit ni Lue sa Cavs

Patuloy ang paghahanap ng Cleveland Cavaliers ng bagong head coach nito para sa susunod na season.

Ayon sa source ng The Associated Press (AP), apat na NBA assistant coaches ang kakausapin ngayon ng Cavs para mapunan ang bakanteng pwesto ng coach sa tropa.

Una nang nakausap ng Cleveland officials nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas) si Jordi Fernandez, assistant coach ng Denver, at si Orlando assistant coach Steve Hetzel nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas).

Nakatakda ring kausapin ng Cavs sina Nuggets assistant coach Wes Unseld Jr., at Portland assistant coach David Vanterpool habang kakausapin din ng opisyal si Nate Tibbetts ng Portland Trail Blazers.

May malaking tsansa na kunin ng Cleveland si Fernandez dahil na rin sa koneksyon nito sa tropa at nagsimula ang coaching career nito noong 2009 sa ilalim din ng Cleveland.

Nakapagtrabaho na rin sa Cavs si Hetzel bilang video coordinator at nag-coach ng Canton Charge sa G-League at naging assistant din siya ni Steve Clifford sa Charlotte Hornets.

Si Unseld naman ay nasa Denver Nuggets noong 2015 sa ilalim ni Michael Malone habang nasa Trail Blazers noong 2012 si Vanterpool.

Parehong sinibak ng Cavs ang naging coach nito na sina Larry Drew at Tyronn Lue matapos ang pangit nitong season 19-63 nang umalis si LeBron James bilang free agent.

Susubukan ng Cleveland na tapusin ang paghahanap ng coach bago magsimula ang NBA draft lottery ngayong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?