387

Dec 5, 2021 @ 16:49
By

Nuezca inilibing na sa Pangasinan

Nailibing na sa Pangasinan ang mga labi ng yumaong dating Police Senior Master Sergeant na si Jonel Nuezca.

Ayon sa ulat, sa Urdaneta City inilibing ang mga labi ng dating pulis. Inupload ng ‘Balitang Amianan’ ng GMA News ang video ng libing ngayong Linggo.

Si Nuezca ay nasawi noong Martes, Nobyembre 30, matapos umanong magcollapse sa loob ng bilibid.

Ang dating pulis ay nakakulong sa salang pagpatay sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio noong nakaraang taon – isang krimen na nakuhanan ng video at kumalat sa social media.

Nasentensyahan si Nuezca ng two counts of murder at parusang reclusion perpetua dahil sa krimen.

Gayunman, misteryo pa rin sa marami ang tunay na ikinamatay ni Nuezca dahil hindi pa rin nailalabas ang iba pang mga detalye tungkol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?